Category: Nationalism


Nobela: Pinaglahuan

Awtor: Faustino Aguilar

Taong Nailathala: 1907

Mga Tauhan:

Eduarda “Danding” Gutierrez

Luis Gat-buhay

Victorino Rojalde

Don Nicanor Gutierrez

Ñora Titay Gutierrez

Mr. Kilsberg

………………………………………………………………………………………………………………………

“Ang mga kasawiang-palad na ganiya’y dapat nating daanin sa tiis.

Ganiyan na nga ang nabubuhay na tao, mag-aasal patay”

— Pinaglahuan, 1907.

 

Pinaglahuan ― isang nobela ni Faustino Aguilar na may temang pag-ibig at iniluwal noong 1907. Ngunit piksyonal man, ang nobelang ito ay mayroong makatotohanan na pagsusuri sa lipunang Pilipino noong panahon iyon.

Sa kasalukuyan, mahigit isandaang taon na ang nakalipas ngunit patuloy pa rin na sinasalamin ng nobela ang kalagayan ng batayang masa at ang kinahaharap nila sa ilalim ng imperyalismo. May tatlong matingkad na puntos akong napuna sa nobelang ito.

Una, ay ang pagpapakita ng nobela ng pagka-unawa sa kalagayan ng bayan sa ilalim ng imperyalismo. Ipinakita dito kung paano ang mga tauhan (na representante ng mga uri sa lipunan) ay nagtutunggalian sa ilalim ng iskemang ng imperyalismo.

Ikalawa, ipinakita ng awtor sa nobela na may mga ideolohikal na aparato ang estado na siyang nagbubunsod sa mga tauhan na manatiling docile na lamang. Ang mga institusyong ito rin ang nagpapanatili sa moda ng produksyon ng mga ideolohiya ng naghaharing uri sa pamamagitan ng pagrereprodyus nito.

Ang huli, napansin ko sa nobela na mayroon na itong abanteng pagsusuri sa kalagayan ng mga kababaihan sa lipunan, at buhat dito ay ipinakita ang sitwasyon na dinadanas din ng Inang Bayan.

 

Tema ng Pag-ibig Bilang Pagpapakita sa Kalagayan ng Bayan

Ang mga tauhan sa nobela ay siya ring mga tampok bilang mga aktuwal na tauhan sa lipunan. Nariyan si Mr. Kilsberg na siyang manipestasyon ng imperyalismo. Si Rojalde bilang representante ng Malalaking Burgesya Kumprador at mga Panginoong may Lupa na siyang mga masasalapi at nakikinabang sa mga iskema ng imperyalismo. Sila Don Nicanor Gutierrez na mga representante ng Pambansang Burgesya.

Si Luis naman ay siyang representante ng uring manggagawa o sa uring anakpawis. Samantala si Danding naman ang manipestasyon ng lipunang Pilipino sa kaanyuan ng Inang Bayan. Sa pamamagitan ng tema ng pag-ibig ay naiangat ni Faustino Aguilar ang istorya upang mulatin ang kamalayan ng mga mambabasa. Ano nga ba ang pag-ibig na ito kundi ang pag-ibig sa bayan at ang paghahangad ng bawat masang Pilipino na naduhagi ng imperyalismo, na siyang rurok ng kapitalismo, na matamo ang tunay na kalayaan sa lipunan at wagas na pagkakapantay-pantay.

Sa paumpisa pa lamang ng nobela ay ipinakita na nito ang mito na ang U.S ay may pag-aasam na palayain o idemokratisa ang Pilipinas. Bagkus, ay ipinakita kung paano sa pamamagitan ng Paris Treaty ay napaloob sa bagong kolonyalista ang bayan. Ipinakita din sa nobela na noong panahon na iyon ay may pagkakahati sa mga Pilipino.

Ang una ay yaong mga nagsipagsandata upang matamo ang tunay na pagsasarili. Ang sumunod naman ay yaong mga makikinabang sa pakikiugnay sa U.S. Nagpuna si Aguilar sa umpisa pa lamang ng kanyang akda na sadyang may kahirapan para sa huli na pumanig sa pagsasarili sapagkat puro sariling galing at hindi kagalingan ng bayan ang pinaiiral.

Mayroong pag-aanalisa sa uri sa nobelang Pinaglahuan. Sinuri nito kung paano ang bawat uri ay kikilos upang dumulog sa panawagan ng bayan. Nabanggit sa nobela na: “Bayan ang tumawag at bayan ang dumalo” ibig sabihin ay may kahandaan din ang mamamayan na dumulog sa panawagan ng bayan.

Ngunit, mayroong uri sa lipunan na maaaring isawalambahala ang panawagang ito. Gaya ng puna ni Luis Gat-Buhay doon sa nagmamay-ari ng tanghalan na ayaw ipahiram ang kanyang lugar sa pagpupulong.

Ayon kay Luis: “Kung walang nilit sa kanya’y [ang nagmamay-ari ng tanghalan] di tatalikwas.” Palibhasa ay nagdadalawang isip sa takot na maapektuhan ang kanilang kalagayang nakaaangat sa lipunan.

Ito ay sapagkat silang mga masalapi ay walang interes na dumulog sa pulong na pag-uusapan ang pagsasarili ng bayan sapagkat ayon sa nobela: “Manapa’y nagsisipangambang makisama sa bayan at baka mangapahamak.” Sila ay nariyan lamang tuwing may tagumpay ang bayan. Sa ganitong pagkakataon ay sila pa ang nagkukumahog na manguna.

Samantala, ipinakita sa mga nais ni Luis ang hinahangad din ng kabuuan ng masang Pilipino na binanggit sa ika-anim na kabanata ng nobela.

Ang anim na pinaka-aasam ni Luis ay ang una, panahon na walang panginoon at walang alipin.

Ikalawa, na ang kawanggawa ay hindi na mabibili.

Ikatlo, na ang bawat isa ay magkasya sa kaniyang kailangan na lamang.

Ikaapat, na ang kagalingan ng lahat ang siyang mag-udyok sa tao sa pagdaraos ng ano mang akala.

Ikalima, ang kapangyarihan sa pamamahala ay maging kahulugan ng kalooban ng lahat at huwag ng iilan.

At ang ikaanim, ay ang pagkakaroon ng isang panahon na ikatutupad ng mga aral at haka-hakang ngayon ay inaring panaginip lamang.

Ito ay ang mga adhika ni Luis na siyang nais niyang makamit ng bayan. Ngunit siya namang hindi hinahayaan ng interes ng imperyalismo at mga kaalyado nito na maisakatuparan. Ito ay dulot ng pagnanais na magkamal pa ng maraming kayamanan at kapangyarihan.

 

Mga Represibong Institusyon ng Lipunan

Samantala nirerepresenta naman ni Danding ang abang kalagayan ng mga Pilipino sa gitna ng mga institusyon na siyang nagpapalaganap ng ideolohiya ng naghaharing-uri sa lipunan. Nariyan ang kaniyang mga magulang o ang institusyon ng pamilya. Nariyan din ang institusyon ng ekonomiya, ng pulitika at ang institusyon ng simbahan na siya ring nagpapalaganap ng naturang mga ideyolohiya.

Ano nga ba at nabanggit ni Luis na ang salapi at pananampalataya ay mga napakalalakas na kaaway niya. Ito ay dahilan sa kalagayan na kinahaharap nila ni Danding. Nalalaman ni Luis na hindi maaaring maisakatuparan ang pag-iibigan nila ni Danding dahilan sa ang kapalaran nila ay itinakda na ng mga institusyon na nakapalibot sa kaniya.

Makikita din sa nobela ang kalakaran sa lipunan. Dalawa sa mga ito ay kung paano pinapananaw ng mga tao ang kaunlaran at ang sumunod ay kung paano nga ba naisisilang sa lipunan ang mga kriminal. Napansin ko na mayroong macro-objectivist na pagpapananaw si Aguilar sa kung bakit nga ba may mga krimen sa lipunan. Tinitingnan nito sa kabuuan o malawakang perspektibo ang pagsusuri.

Sa ilalim ng mga teorya sa macro-objectivism sinsabi na ang pagsalungat ay bunga ng mga kondisyon sa lipunan. Dito, sinasabi na bawat lipunan ay may mga pinahahalagahan na mga values. At sa isang kapitalistang panahon ang mga values na pinahahalagahan ay yaong mga materyal na kagaya ng salapi. Sa loob ng lipunang ay may tatsulok, na siyang nagsasabi na mayroong pagkakahati-hati sa uri, at kabilang dito ang malaking bilang ng mga uring anakpawis.

Dahil sa may mga mamamayan na walang kakayanan na makamit ang itinakdang values ng lipunan sa pamamaraan na aprubado nito ay napipilitan sila na kamtan ito sa ibang pamamaraan. Paraan na ayon sa batas ay mali sapagkat silang nagtatakda ng mga patakaran, ay siya ring mga naghaharing-uri na ang interes ay ang mapanatili ang sariling kagalingan.

Mula sa pagpapakita ng mga institusyong ito na siyang nagsasagka sa ikakatuparan ng pag-iibigan nila Danding at Luis ay nasuri ni Luis na siya ring mga naturang institusyon ang dahilan ng pagkaduhagi ng mga mahihirap sa lipunan.

Ang mga institusyong ito na siya ngang nagpapalaganap ng ideyolohiya na kumakalinga sa naghaharing mga uri ay siya ring pumipigil sa ikasasakatuparan ng mga hinahangad ni Luis na mga pagbabago sa Pilipinas. At siya ring pumupigil sa tunay na kaginhawaan ng masang nakararami. Ang buhay nila sa pagkakasabi ni Luis ay “ang sa alamang, paglukso ay patay.” Ano pa nga ba at itinakda na rin ang kapalaran ng mga dukha na masasalimin sa madaming tagpo sa nobela.

“Doon na nanghina ang kaniyang malalakas na butong mula nang mapasabahay na iyon ay ginamit na lamang sa paglingkod sa iba at minsan ma’y hindi sa sarili. Palad ng dukha, katalagahan sa buhay ng mahirap.”

— Pinaglahuan, Kabanata 9

“Nagbubukang-liwayway sa kasilangana’y ngumingiti na ang masayang liwanag, ang mga manggagawang maaga kung pumasok ay nagsali-salimbay sa mga lansangan at ang mga dukhang ‘di naghapuna’y gising nang nangag-iisip kung saan kukuha ng makakain sa maghapon.”

— Pinaglahuan, Kabanata 9

Samantala yaong mga interes at pagpapalagay ng masasalapi at mga opisyal sa pamahalaan sa mga dukha at rebolusyonaryo ay ipinakita din sa nobela.

“Ang mga dukha ay di maaaring makisilong man lamang sa lilim ng aking panambi”

— Pinaglahuan, [Don Nicanor] Kabanata 4

“[K]ahit sa paninirang-puri sa ganito o gayong manggugulo, gaya ng tawag sa mga may damdaming mahal na ‘di nagbibili ng kanilang pananalig at layon, palibhasa’y nangakatatalastas na hindi ang lagay na kasalukuyan ang marapat sa Pilipinas, kundi ang isang kapalarang lalong may mataas na uri, bilang kapalit ng dugo ng kaniyang mga bayaning sa lahat ng dako’y nagsuyo ng buhay na yakap ang watawat ng isang banal na adhika”

— Pinaglahuan, Kabanata 10

Sa nobela ay ipinakita din na ang mga tauhan doon ay mayroong pagkilala sa pangangailangan ng isang rebolusyon upang makamit ang tunay na pagkakapantay-pantay.

“Upang mabago ang kalagayan natin sa pamamayan ay nangangailangan tayo ng paghihimagsik”

— Pinaglahuan, Kabanata 7

“Walang kapoon-poon kundi ang katwiran, sa kaniyang kahulugang talaga, ang katwiran ay siyang panginoon ng lahat, haring makapangyarihan na ‘di kumikilala ng lahi, kulay at pagkatao”

— Pinaglahuan, Kabanata 7

 

Sitwasyon ng Kababaihan sa Lipunang Pilipino

“Sasabihin lamang na napalaki ang isinulong ng sansinukob, gayong ang katotohana’y kasangkapang kung ipalagay ang babae, kasangkapang pamuno ng isang kailangan at alipin habambuhay”

—Pinaglahuan, Kabanata 18

Palibhasa ay mayroong pagsasapananaw sa kaunlaran na ayon kay Danding ay “sa malinaw na tubig tumitingin, [at] hindi sa mabahong burak sa kailaliman” kung kaya mababaw din ang pagsasapananaw sa kahulugan ng kaunlaran. Kadalasan pa nga ay sa ngalan ng kaunlaran ay lalo pang naisantabi ang kalagayan ng mga naghihirap na Pilipino.

Sinabi sa nobela na si Don Nicanor Gutierrez ay may paniniwala na ang anak na babae ay puhunan. Tila ganito din ang pagsasapananaw sa kalagayan ng Inang Bayan na ang kahalagahan ay nasusukat hanggat ito ay makukunan ng kapakinabangan.

Bukod sa pagpapakita ng kalagayan ng mamamayan na impluwensyado ng mga institusyon sa lipunan ipinakita din sa katauhan ni Danding kung paano ang kalagayan ng inang bayan na siyang kinadenahan ng mga institusyon ng imperyalismo upang masiguro ang kanyang pagsunod. At ang mga masalaping anak ng bayan ay nakikialyado pa sa imperyalismong interes dahil sila ay may kapakinabangan din.

Maigting na ipinakita sa nobela ang kalagayan ng mga kababaihan sa lipunang Pilipino na masasalamin sa mga pahayag ni Danding sa nobela. Ipinahayag niya sa nobela kung paano nga ba ang sektor ng kababaihan ay itinatakda na ang buhay kahalintulad ng kapalaran ng bayan.

Sa mga pananalita ni Danding na ang puso niya ay di kailanman makukuha ni Rojalde ay naalala ko ang sinabi ng lider katutubo na si Macli-ing Dulag: “Ang katawan ko lang ang mamamatay, hindi ang diwang ipinaglalaban.” Maihahalintulad ko sa porma ng pag-aaklas na ginawa ni Danding na kahit na ang pisikal na katawan niya ay hindi na niya hawak ay naniniguro naman siya na ang kanyang diwa ng pag-ibig ay hindi maaagaw mula sa kanya, pag-ibig para sa kasintahan ─ na siya ring pag-ibig sa diwa ng kalayaan.

At yaong anak na isisilang ni Danding ay siyang rebolusyon na bunga ng panawagan ng mga dukha na makamtan ang isang tunay na kalayaan ng bayan. Ang pag-ibig ng mamamayan sa Inang Bayan ang siyang nagluwal sa himagsikan.

……………………..

(isang rebyu para sa Panpil121)

Advertisements
Matingkad pa ang aking pagkagunita sa mga naganap sa nakaraang State of the Nation Address (SONA) ngayong taon. Noong Hulyo 23, nagtipun-tipon sa Ever Gotesco Commonwealth ang mga mamamayan mula sa iba-ibang sector ng lipunan.

Ang bawat sektor ay may mga kaniya-kaniyang lehitimong panawagan. Tunay na reporma sa lupa mula sa mga magsasaka sa kanayunan, edukasyon bilang karapatan mula sa mga kabataan, pagtigil sa demolisyon para sa mga maapektuhang mga taga-komunidad at pagbasura sa Human Security Act (HSA) mula sa mga progresibong grupo na lumahok. Tinawag itong Tunay na Sona ng Bayan, ang tunay na kalagayan ng bansa na nadadanasan ng nakararaming masang Pilipino. Ito ay ang kanilang ipinantapat sa isinagawang State of the Nation Address (SONA) ng gobyernong Arroyo.



Ito na ang pangalawang SONA na nilahukan ko, iyong una ay noong nakaraang taon kung saan sinalubong kami ng bagyong Gloria na nagpalit sa pangalang Glenda. Kagaya ng mga nakaraang SONA ng Bayan, masigasig ang mga kalahok na aktibong makibaka para sa kanilang mga lehitimong mga panawagan, at sa isang banda ay manghikayat pa ng iba para sumali at makibaka. Kagaya muli ng nakaraang mga SONA maraming midya ang nandoon upang iulat ang mga kaganapan.Naalala ko na ang mga lumahok mula sa Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon ay may panawagan na: “Alagad ng Midya, MAGMULAT, MAGLINGKOD, MAKIBAKA”. Ito ang isinisigaw nila sa kalye na panghikayat sa mga nasa industriya ng pamamahayag. Sa kasalukuyang kalagayan ng midya sa bayan, kapansin-pansin ang madaling akses dito ng mga tao, lalo na ng mga bata na nasa formative years pa lamang.

Ang midya ay maituturing na bahagi ng tinatawag ni Louis Althusser na ISA o ideological state apparatus. Ang ISA ay kinokonsidera na pribadong domeyn at mas kumakalinga sa ideolohikal na pamamaraan ng panunupil ng estado, at pumapangalawa lamang ang paggamit nito ng dahas.


Isa itong paraan kung saan ipinasusubo sa mga tao ang ideolohiya na ipinalalaganap ng naghaharing-uri sa pamamaraang hindi nga tahasan, ngunit lagi namang makakasalamuha sa mga institusyon sa lipunan kagaya ng edukasyon, politika, simbahan at midya kung kaya’t nagsilbing mahalagang aspeto ng social formation.


Nirereprodyus nito ang moda ng produksyon na kumakalinga lamang sa mga naghaharing-uri, nandiyan ang reproduksyon ng mga eksployter, naeeksployt, mga ahensya ng eksploytasyon at ahensya ng represyon na may kakayanan na ipatanggap sa mga mamamayan ang pagiging masunurin nang walang pasubali.

Kagaya ng nabanggit ni Joan Salvador sa “Docile Minds, Commodified Bodies: Young Women in the Context of Globalization ang Neoliberal Education,” ang mga kababaihan ay lalo pang na-mamarginalize dahil nga sa neoliberal na aspeto ng edukasyon, kung saan nasasadlak na lamang sila sa mga trabahong kinikilala na “pambabae” ng lipunan. Dagdag pa dito ay kinakasangkapan ang mga kababaihan sa kapitalistang interes dahilan sa mas mababang pasahod sa mga babae kumpara sa lalaki.

Maski ang midya ay kaugnay sa mga kaapihan sa kababaihan, nandiyan ang pagpapatuloy nila ng mga programa na sinasalamin ang maigting na impluwensya ng relihiyon. Isa na dito ay ang pagpapakita ng dalawang uri ng babae sa mga palabas: si Maria (Birheng Maria) bilang ideyal na babae dahil mapagtimpi, masunurin at huwaran na ina at asawa, at si Magdalena, isang tukso at makasalanan.

Bukod pa dito, pinapalakas din ng midya ang hindi pantay na katayuan ng babae at lalaki, at ang pagpapalaganap ng kaisipan na ang babae ay parausan, kalakal at dapat kaakit-akit sa mga kalalakihan.

Nabanggit sa SONA noon ni GMA ang kanyang pagpapaunlad pa ng science and technology sa bayan, at kasabay noon ay ang pagpapakita ng isang pagawaan ng kompyuter chip na puro kababaihan. Isa itong patunay na ang kaunlaran na iniaalay sa kababaihan ay taliwas sa tunay na esensya ng pagpapalaya sa kanila sa lipunan.



Ang midya ay sadyang auratic, ito ay mass-produced ngunit ang indibidwal ang inaadres nito. Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit nagiging manhid na din ang mga manonood sa mga isyung panlipunan. Nag-aalay kasi sa kanila ng mga limitadong choices na dikta na din ng naghaharing-uri. Sa makatuwid walang tunay na choice ang mambabasa ng teksto ng midya at siya ay binibigyan lamang ng mga mensahe na naglalaman ng mga bagay na ayon sa kasalukuyang anyo o istruktura ng lipunan ay dapat niyang pag-isipan.

Ang midya ay nagpapalaganap din ng mga mensahe na naglalaman ng mga bagay na instant na makakamit. Kung kaya’t ang nangyayari ay nagiging sapat na lamang sa mga mambabasa ng teksto ng midya ang mga short-term o kagyat na sagot sa mga pangangailangan kaysa sa mga long-term na mga plano.

Bukod dito, ang auratic na katangian ng midya ay tila nangungusap sa bumabasa ng teksto na ito ay kalahok sa mga kaganapan na napapanood niya o napakikinggan. Sa gayon, may pag-aakala sa parte ng manonood na nandoon siya sa mismong lugar na pinagdadausan at ginagawa na ng midya ang dapat ginagawa niya, kahit na ang sa totoo ay nakaupo lang siya sa loob ng sala.

Dahil dito ay lalo pang napapalaganap ang pagiging indifferent, consumerist at individualistic ng tao dahil sa mga mensahe na nakukuha niya sa midya. Siya ay nagiging passive na tagatanggap na lamang ng mga ideolohiya na pinalalaganap ng kasalukuyang anyo ng lipunan na siyang nakakaapekto sa kanyang social formation at bagkus lalo pang nirereprodyus ang sistema ng produksyon ng naghaharing-uri.

Sinasabi na ang mga mambabasa ng teksto ng midya ay kritikal at hindi dapat tinitingnan na mga docile, ngunit paano kung ang mismong midya ang siyang nagiging instrumento ng docility. Isang mass-produced na produkto na siyang nauuwi na lamang bilang lunsaran ng mga kaisipang neoliberal.

Habang ayon sa Directing the Real: Orapronobis Against Philippine Totalitarianism (2000) ang telebisyong pang-kapitalista ay may kakayanan na lusawin ang tunay na kahulugan ng ibat-ibang uri ng pakikibaka sa pamamagitan ng pagpapamukha na ito ay isa lamang insidente na malayong mangyari sa katotohanan. Dito naipapakita ang tunggalian sa pagitan ng totoong kalagayan ng lipunan at ng kung ano lamang ang hinahayaang makapasok na mga ulat sa mainstream media.

Sa Orapronobis, ay ginawang tampok ng pagmulat at pakikibaka ni Lino Brocka ang pelikula. Dito ay ipinakita niya ang konsepto ng demokrasya ang isa ay ang ayon sa grupo ng mga Pronobis at ang isa naman ay ang sa tunay na demokrasya na dapat sana ay tinamasa ng taong bayan. Sa pelikula ay ipinakita ang makasaysayang EDSA revolution na malawakang iniulat ng internasyunal na midya. Nabanggit ni Althusser na ang state power at state apparatus ay may pagkakaiba.

Maaaring matapos ang isang rebolusyon ay maagaw ang state power ngunit ang mga dating porma ng state apparatuses na kontrolado ng naghaharing uri ay manatili at dahil nga dito hindi naglalaon ay bumabalik ulit sa dating porma ang lipunan dahil ang state power ay hindi makakasulong kung wala itong kontrol sa state apparatuses lalo na ang ISA.

Sa pelikula ni Brocka ipinakita na kahit natapos na ang diktadurya ay nananatili pa rin ang mga hindi makatarungang mga pamamaslang at mga grupong vigilante. Nagbago nga ang namumuno pero ang control ay hawak pa din ng imperyalistang mga aparato, pinarangalan pa sa pelikula ng gobyernong Aquino si Komander Kontra (Bembol Roco).



Matingkad pa sa pelikula ang pagbabanggit ni Komander na nakamit na ang demokrasya, ngunit nananatili na lamang siyang salita dahil walang totoong hakbangin mismo mula sa kanya maging sa gobyerno na itaguyod ang demokrasya.

Ipinapaalala nito sa akin ang SONA ni GMA at ang mga tagapagsalitang kabilang sa panggitnang uri na paulit-ulit na sinasabi ni kinukondena nila ang mga pamamaslang sa mga aktibista, lider unyonista at mga mamamahayag ngunit nananatili itong salita na lamang dahil wala ring konkreto na aksyon na isinasagawa sa pagkondena nito.

Kadalasan pa nga ay palusot na ng gobyerno na terorista, NPA, komunista o miyembro ng isang organisasyon na prente ng CPP ang napaslang  para lamang mabigyang hustisya ang ginawang paglabag sa karapatang pantao. Isa sa mga dahilan ang midya sa opresyong political at pagpapalaganap ng interes ng naghaharing-uri.

Nariyan ang mga pansalang ginagamit nito upang makontrol ang lalabas na mga impormasyon. Ayon kila Noam Chomsky at Edward Herman ang mass media ay may 5 pansala: ang ownership, advertising, sourcing, flak at ideolohiya (pagpapalawig sa susunod na blog entri). Ngunit, malaki din naman ang naging gampanin ng midya upang maging isang tampulan ng pakikibaka at makataong mga programa. Ang Orapronobis ay nagsilbing isang makasaysayang pelikula at isa na rin tala ng mga kaganapan noong panahon matapos ang Martial Law.

Kinabukasan matapos ang dalawang bersyon ng SONA ay naglabasan sa mga mainstream na pahayagan ang mga litrato ng naganap na SONA. Higit na naungusan ng mga litrato ukol sa mga dumalo at ang mga suot nila ang balita, at tanging ang simbolikong pagsusunog lamang ng effigy ang binigyang puwang malathala. Wala ding paliwanag na ang isinagawang panununog ay pakahulugan na may hangganan din ang mga nabubulok na sistema.

Ito ay dahilan sa kontrol ng mga naghaharing-uri at ng mga media conglomerates sa mga pangunahing porma ng midya. Dito ay pinapalaganap lamang ang mga ideolohiya na maaaring magsilbi sa interes nila. Ayon kay Althusser ang ideolohiya ay isang sistema ng ideya at representasyon na siyang nagdodomina ng kamulatan ng isang tao o uri sa lipunan. Sa loob ng ideolohiyang ito kikilos at magdedesisyon ang mga tao hindi lamang dahil sa namulat sila sa ganitong kaisipan kung hindi dahilan rin sa ang pagkilos sa loob ng ipinalalaganap na ideolohiya ay siyang pinagmumukhang may kabuluhan.

Ang ideolohiyang ito ay nabubuhay sa isang aparato ng estado, kasama na din ang pagsasapraktika ng mga ipinalalaganap ng mga aparatong ito. Nabanggit din ni Althusser ang interpellation ng ideolohiya (sa kasalukuyan na kontrolado ng naghaharing-uri) kung saan nagsisilbi ito sa isang paraan kung saan ginagawa nitong sabjek ang bawat indibidwal o dinedepoliticize ito.

Dahil dito ay bumababa ng bumababa ang kalidad ng mga mambabasa ng teksto ng midya o nadedegrade sila. Ito ay ang dahilan kung bakit kadalasan ay mga masang naiinis sa mga aktibista, dahil sa mga imahen na ipinapakita ng midya ukol sa mga tibak.

Isa na sa mga bunton sa mga aktibista ay ang pagdudulot ng matinding trapik sa tuwing may mobilisasyon, hindi na gumagawa pa nag midya ng paraan upang ipaliwanag ang ugat ng problema sa trapiko. May nakapagsabi nga na mula sa Anakbayan na wala naman sana talagang trapik kung hahayaan lang ng mga pulis na umusad ang mobilisasyon sa pagdadausan ng SONA ni Arroyo.

Ang mga naisantabing mga mamamayan ay gumagawa ng alternatibo sa pamamagitan ng pagtungo sa lansangan kung saan kinikilala nila ang kanilang mga karapatan at isinisigaw ang pagkondena sa mga hindi makatao at makabayang mga hakbang na dulot ng pribatisasyon, deregulasyon at liberalisasyon na dikta ng mga imperyalistang institusyon gaya ng World Bank at International Monetary Fund dagdag pa ang rehimeng US-Arroyo.

Bukod dito ay nagsasagawa din ng mga hakbangin na maglunsad ng mga alternatibong porma ng midya upang tumugon sa mga isyu ng naisantabing mamamayan. Nariyan ang Pinoy Weekly, isang lingguhang pahayagan at ang mga alternatibong online na mga lathalain gaya ng Bulatlat.com Tinig.com dagdag pa ang umuusbong na mga blogs na tumutugon sa masa.

(Nirebisa na bersyon ng papel na ipinasa sa Communication 141-Midya at Lipunan sa klase ni Ginoong Rolando Tolentino)

(This interview was made by me for our J111, Feature Writing,
class last semester. Our class project was a magazine named Noypi.
Access the Magazine here: NOYPI)

………………………………………………………………………………………………………….


You might have seen these huge caricatures paraded during various protests actions. But, have you ever wondered why they bother making one just to burn it all up in the end?

Read on to know what it takes to build these huge masterpieces of the street. And read their views on art, with an Interview from Iggy Rodriguez, Project Coordinator of UgatLahi.

NOYPI: How did UgatLahi came to be?

IR: Ugat Lahi started as a transmedia collective of artists who use different media like theater, literature and visual arts. UgatLahi artists see that there are problems in society and from there, uses different artistic and imaginative expressions to voice out these issues. We try to create projects to serve as venue for balitaktakan or talks like exhibits, fora and effigy-making among others.  

NOYPI: How long have you been making effigies?

IR: We started in 1997, for the “Kalbaryo ng Mamamayan” held during the Lent. But, officially we started making effigies of personalities and presidents in 1999, from the Estrada administration up to the current one.

NOYPI: How long does it take to create an effigy?

IR: Our timeline in making an effigy is exactly one week though there was one time during the Estrada administration that took us up to three weeks.

NOYPI: Why do UgatLahi artists involve with such advocacies?
 
IR: It is important to be critical of the social realities. We believe that artist as human beings, as Filipinos, should be active participants and not passive bystanders in society. Creating art that reflect social realities is part of an artist’s responsibility. Whether in streets, in a factory, or a mainstream gallery what’s important is that the artist can broadcast the message as a social being.

NOYPI: What creative process does creating an effigy go through?

IR: Well, first we unite in the concept or idea to be portrayed. We identify the call, for example [during] the State of the Nation Address (SONA) 2009 the main call is “Tapos ka na Gloria.” We want to show that her 9 years of staying in power is [nearing its end] and that people are in discontent.

At the same time we want to show a “Rotting Glo,” where she continuously finds ways to extend her term either as president or as prime minister. She was portrayed riding a bulldozer which symbolizes the administration move for a charter change (cha-cha). The bulldozer symbolizes how the Arroyo administration wants to derail all efforts of the masses to oppose her moves to extend her term.


NOYPI: What does an effective effigy look like?

IR: Among our collective, we try to raise the standards of creating effigies [as artists]. But actually, it depends on the objective, the concept of the artist and the purpose or use of the effigy. The most important consideration is the concept, identifying the most effective concept, and then we try to raise the aesthetics. Like during the Marcos years effigies mostly use chicken wire, now we use clay which is easier to sculpt, add details and mold.

NOYPI: Why are effigies exaggerated in form?

IR: Firstly, it is more effective in broadcasting our message. Different forms get different impacts or reactions… exaggeration gives edge at the same time it can effectively articulate what you want to say as well as expose the character you want to portray.

NOYPI: What other projects do you have?

IR: We believe that artists should be one with the struggles of the masses. Our programs try to show how artists should not just be confined in studios. We believe that artists should also serve the people.

Among our projects are exhibits, trainings both internal which is among the members and external which include advocacy work in partnership with communities like in Tondo and South Alabang.

We have a monthly program where for two months we integrate with communities. This program is called BMI or Basic Masses Integration. We also plan a publication of works of artists called Engkuwentro, a folio type magazine envisioned to be a handy gallery. 

NOYPI: What purpose do effigies serve?

IR: Effigies give focus to the collective discontent of the masses. Second, it serves as a venue to channel the discontent especially in the symbolic burning. Finally, it helps to disseminate the message not only to the people present in the rally but also to those who saw it on television or the news paper.

It engages the Filipino sensibilities, so there is collaboration with the masses during the whole performance.

NOYPI: Why do you burn the effigies in the end?

IR: It is burnt because it is still tradition [and] burning uplifts the momentum and spirit of the protest as a performance. It is a ritual where we burn the image of the effigy and all the evils attached to it like corruption. This symbolic action reflects the unity of the people to end injustice.

NOYPI: How do you view art?

IR: First of all, for whom do we create art for but for the masses? Where the masses are the artists should be there to help them articulate their experiences, dreams and aspirations.